you gave meaning in my life,
you gave me reason to love.
Wednesday, September 07, 2005
siguro nga'y ika'y nasasaktan ko na dahil 'di natatanggap na ayaw mo sa akin masarap isiping ako'y minamahal yun pala'y isang mapait na panaginip
*umiiyak ako't nagtatago sa kadiliman ng aking kwarto habang pinagmamasdan ang takbo ng oras at muling binabalikan ang tinahak na landas tungo sa 'yo kahit magunaw ang mundo ika'y mamahaling wagas
ngunit ayaw kong nakikita kang maputla dahil sa pagdurusang aking badya at kapag talagang iyong nais lilisan ako't maglalaho parang hinagis na bato sa lawa ng pagtangis
saka lulubog patungo sa kawalan sa balong puno ng hinagpis; mga nararamdamang pait at sakit para sa 'yong kasiyahan ako'y lilisan lubog lang ng lubog hanggang sa matapos itong taludtod wala nang masabi kundi ang pumawi mga luha't paghalakhak ng kalmadong hagod
(kanta dapat ito... pero di ako marunong maglagay ng rythm para dito eh... ahehehehe... basta aun... haay... medyo malabo siguro yan.. la lng kc ako magawa nung isang gabi eh... gud day to everyone...)